"mga pagkaing pilipino at ang kanilang pinagmulan"
"Mga pagkaing pilipino at ang kanilang pinagmulan " Ang pagkain ay hindi lang simpleng pang-araw-araw na pangangailangan-ito ay salamin ng ating kultura at kasaysayan bilang mga Pilipino. Sa bawat putahe, may kwento, tradisyon, at impluwensiyang nag-ambag sa kung ano tayo ngayon. Ang mga pagkaing Pilipino ay natatangi dahil halo-halo ang pinagmulan mayroon tayong katutubong putahe, mayroon ding inangkop mula sa mga banyaga, ngunit lahat ay naging bahagi ng ating pagkakakilanlan. Adobo Isa sa pinakasikat na pagkain sa Pilipinas, ang adobo ay kadalasang itinuturing na pambansang ulam. Bagama't sinasabing may impluwensya ito mula sa Kastila (ang salitang adobar na ibig sabihin ay "to marinate"), mayroon nang sariling bersyon ang mga ninuno natin bago pa man dumating ang mga mananakop. Ginagamit nila ang suka at asin bilang preservative, kaya naging natural ang pagkakalikha ng adobo. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ito ng iba't ibang be...